Hindi pinalampas ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga alegasyon ng pangingialam umano nito sa appointment process ng mga opisyal ng kasalukuyang administrasyon.
Sa ibinahaging video message ng first lady, kaniyang sinabi na wala siyang kinalaman sa pagtatalaga ng mga opisyal ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Hindi naman na binanggit ni Marcos ang mga indibidwal na gumagamit ng kaniyang pangalan para makakuha ng posisyon sa gobyerno.
Babala pa ni Marcos na sa oras na malaman nitong ginagamit ang kaniyang pangalan, matapang nitong sinabi na siya mismo ang magpaparating sa Pangulo na huwag silang i-appoint sa pwesto.
Ginawa nito ang naturang pahayag matapos na makarating sa kaniya ang impormasyon na may mga indibidwal na gumagamit sa kaniyang pangalan para maluklok sa gobyerno.