Itinanggi ni First Lady Araneta-Marcos ang mga alegasyong may kinalaman siya sa suspensiyon ni Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.
Ayon sa Unang Ginang, hindi niya kilala ang Gobernador at hindi rin umano nito playing field ang politika.
Una na ngang ipinaliwanag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang desisyon ng Office of the President na suspendihin si Gov. Jubahib ng 2 buwan ay nag-ugat sa mga kasong inihain laban sa kaniya na matagal ng nakabinbin bago pa umupo sa pwesto ang Pangulo.
Hinamon din ng Presidente ang sinuman na imbestigahan ang ginawang legal process para sa preventive suspension ng Gobernador.
Nagresulta ang suspension ni Jubahib sa isang reklamong inihain ni Board Member Orly Amit na inakusahan ang Gobernador ng grave abuse of authority at opression matapos na i-reassign ng Gobernador ang isang capitol-owned vehicle na nakatalaga sa isang board member patungo sa Provincial Engineering Office.
Tumanggi naman ang gobernador na sundin ang suspension order ng Malacañang at tinawag itong political harassment at naimpluwensiyahan umano ng kaniyang kaaway sa politika sa probinsiya partikular na ni Antonio Lagdameo Jr. na Special Assistant ng Pangulo.