-- Advertisements --

Diretsahan sinagot ni First Lady Liza Marcos ang katanungan kung may plano ba itong tumakbo sa eleksyon lalo na sa pagka senador.

Ayon sa unang ginang, ang ganitong mga espekulasyon ay walang batayan at katotohanan.

Nanawagan din ito na huwag nang lagyan ng malisya ang kanyang mga ginagawang outreach work.

Dati pa aniya ay napabalita na rin siya na tatakbo sa lokal na posisyon ng lumipat ito sa Ilocos mula New York habang gobernador noon si PBBM.

Nilinaw rin nito na hindi siya rehistradong botante kayat malabo na siya ay tumakbo sa halalan.