Nagsalita na si First Lady Liza Araneta-Marcos kaugnay sa insidente na kinuha nito ang inumin ni Senate President Chiz Escudero habang ginanap ang Vin D’Honneur sa Palasyo ng Malakanyang nuong Miyerkules.\
Sa isang pahayag, nagpaliwanag si FL Liza Marcos na matapos ang ginawang pagbati nila sa nasa 82 ambassadors at iba pang represenetative ng iba pang mga international organizations ng mahigit isang oras, pumasok na sila sa ceremonial hall at itunuro sila sa direksiyon kung saan nanduon si Senator Escudero at Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa Unang Ginang nagkausap sila ng nasa 10 segundo ni Senate President at sinabihan siya na may energy pa ito matapos ang pagtayo ng mahigit isang oras at saka inalok siya ng mainom ng senador.
Kita sa video na kinuha ng First lady ang inumin ni Escudero saka ininom at ibinalik ang champagne glass sa kaniya at matapos niyang ininom nagtawanan pa sila.
Sinabi ni First lady matagal na silang magkakilala ni Escudero panahon pa ng kanilang law school dahil nag aral ito sa UP siya naman sa Ateneo at talagang magkaibigan silang dalawa.
Giit ng First Lady ang nasabing insidente na ginawa umano niyang waiter at nanatiling gentleman si Senate President ay sa kanilang dalawa na lamang ito.