-- Advertisements --

Nanumpa bilang regular na miyembro ng Philippine Constitution Association si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Pinangunahan ni dating Chief Justice Reynato Puno ang panunumpa ni Marcos.

Isinabay ang nasabing panunumpa sa ika-63rd Founding Anniversary ng PHILCONSA sa Ceremonial Hall ng Malacanang Palace.

Ang PHILCONSA ay isang non-stock at nonpartisan organization na layon ay ipagtanggol, ipreservba at protektahan ang konstitusyon.