-- Advertisements --

Tahasang iniyahag ni First Lady Liza Marcos na “bad shot” na sa kaniya si Vice President Sara Duterte.

Sa isang video teaser na panayam ng isang kilalang broadcaster sa Unang Ginang kaniyang sinabi na siya ay nasaktan ng dumalo sa isang rally ang pangalawang pangulo na tumawa din ng sinabihang bangag ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, hindi niya nagustuhan ang nasabing aksiyon ng pangalawang pangulo at inaming sumama ang kaniyang loob.

Giit nito, na maging si dating Vice President Leni Robredo ay hindi ito ginawa.

Sinabi ni First Lady na ginagawa ng kaniyang asawa na si Pang. Marcos ang lahat na protektahan siya sa anumang batikos dahil iisang team sila nuong panahon ng eleksiyon at sama-samang babangon sa mga banat ng mga kalaban.

Binigyang-diin ni Ginang Marcos na naging mabait siya kay VP Sara pero lumagpas na ito sa hangganan kaya nagpapakatotoo lamang siya.

Kung maalala sa mga naging departure ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungong abroad, kapansin pansin na hindi talaga binabati ng unang ginang si VP Sara.

” For me, nasaktan ako because my husband will do everything to protect you. You ran together, di ba? Sama-sama tayong babangon muli. Pupunta ka sa rally, tatawagin ‘yung Presidente mong bangag,’diba? You’re going to laugh, tama ba ‘yan? Even Leni never did that.” pahayag ng Unang Ginang Liza Marcos sa isang panayam.