-- Advertisements --
An officer and a gentleman!
Ito ang Caption social media post ni First Lady Liza Marcos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos isang araw matapos manumpa bilang Auxiliary Vice Admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary.
Base sa mga litrato ni First Lady Marcos, makikita itong sumasaludo kay Pangulong Marcos na commander-in-chief.
Sumaludo rin naman si Pangulong Marcos kay First Lady Marcos.
Sa mga sumunod na larawan, makikitang yumakap si First Lady Marcos kay Pangulong Marcos.
Una nang pinasalamatan ni First Lady Marcos ang PCG dahil sa mahalagang papel na ginagampanan nito para panatilihin ang maritime safety at maritime security pati na sa pagtataguyod sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.