-- Advertisements --

Pinangunahan umano ni US first lady Melania Trump ang panghihikayat kay President Donald Trump na tanggapin na nito ang kaniyang pagkatalo sa pagkapangulo.

Ito ay dahil sa hindi pa tinantanggap ni Trump na tinalo siya si Democratic presidential candidate Joe Biden sa pagkapangulo.

Bukod pa sa first lady ay nilapitan din ito ng kaniyang manugang na lalaki na si Jared Kushner at inalok na tanggapin na rin ang pagkatalo.

Matapos kasi ang victory speech ni Biden at Kamala Harris bilang president-elect at vice president elect, nakitang naglaro pa ng golf si Trump.

Samantala, hindi pa rin tumitigil ang US President sa pagbatikos sa nangasiwa ng halalan kung saan ipinaggigitbitan nito na nagkaroon ng malawakang dayaan.