Matagumpay na isinagawa ang 2017 First Quarter Simultaneous Earthquake Drill na ang sentro ay isinagawa sa Cebu City.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Romina Marasigan, bukod sa mga estudyante at empleyado ng iba’t ibang pam-publiko at pribadong establisimento sa lungsod ng Cebu, nagpakitang gilas din anya ang mga tinatawag na first responder na nagpakita ng kahandaan sakaling may sakunang dala ng malakas na lindol.
Sinabi ni Marasigan na nakiisa rin sa earthquake drill sa Cebu ang mga sundalo ng mula sa Central Command sa Lapu Lapu City.
Habang sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, nakiisa rin ang mga empleyado ng NDRRMC sa pag-duck, cover and hold kung saan ang pagsasanay ay tumagal ng halos 20 minuto.
Binigyang diin ni Marasigan na sa ilalim ng temang bida ang handa, mahalaga ang palagiang alerto at handa lalo na kapag may lindol at sakaling maganap ang tinatawag na “The Big One.”