-- Advertisements --
LEYLA 5
Tennis sensation Filipina Canadian Leyla Fernandez

Sentro ngayon ng atensyon ng mundo ng sports lalo na sa women’s tennis ang magaganap na US Open finals sa linggo dahil sa makasaysayang banggaan ng dalawang teenagers.

Batay sa record mula noong taong 1968, ngayon lamang muli magkakaroon ng finals na kapwa mga unseeded players.

Ang Filipina Canadian na si Leyla Fernandez ay ranked number 73 sa buong mundo, habang ang 18-anyos na si Emma Raducanu mula sa Britanya ay pang-150 sa rankings.

Ang 19-anyos na si Fernandez ang pinakabatang manlalaro mula pa noong taong 1999 kung saan 17-anyos pa lamang noon si Serena Williams, ay tinalo ang tatlo sa top-5 players sa isang major tournament.

UK EMMA RADUCANU
British tennis sensation Emma Raducanu

Sa panig naman ng kanyang kalaban na si Raducanu, kabilang sa marami niyang record, siya ang unang British woman na sasabak sa major singles final sa loob ng 44 na taon.

Samantala, sa panayam kay Fernandez na ang ina ay isang Pinay, labis daw ang kanilang pasalamat sa mga Pinoy fans na nakaabang din sa kanyang mga laro.