CEBU CITY – Isinagawa ang pinaka-unang Red Lantern Festival dito sa Cebu City mula kaninang alas 2 ng hapon hanggang alas 5:30 dito sa Plaza Sugbo kaugnay sa selebrasyon ng Chinese New Year.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Cebu City Tourism Commission Chairman, Atty. Jocelyn Pesquera, sinabi nito na naglalayon ang nasabing aktibidad na turuan ang publiko sa kasaysayan nitong lungsod kasama ang Chinese-Cebuano community.
Nakahanay sa nasabing aktibidad ang pagbubukas ng Cebu Chinese Heritage Museum para sa publiko na walang bayad.
Isasagawa rin ang mga dragon dances sa kahabaan ng Magallanes St.
Magpapakalat din ng mga spotters sa lugar para tingnan kung may pinakamagandang Chinese attire ang mga bisita nga kilala bilang “cheongsam”.
Pipiliin ng mga evaluator ang ‘first eight’.
Ang pinakamahusay na nakadamit ay makakatanggap ng P10,000 cash prize.
Inihayag ni Pesquera na ang Red Lantern Festival ay isang hakbang tungo sa pagdaraos ng parehong kaganapan sa mga susunod na taon nang sa gayon ay walang ‘lull moments’ para sa turismo sa buong taon.