Sa kabila ng naging epekto ng El Niño phenomenon, naitala ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang pinakamataas na volume ng mga fish deliveries noong Mayo, 2024.
Sa pinakahuling report ng ahensiya, nakasaad dito na ang nailabas na isda at iba pang fishery products noong Mayo ay umabot ng hanggang 66,587 MT.
Ito ay umakyat ng 10.5% mula sa dating 60,256 MT noong Abril.
Ang pagtaas na ito ay sa kabila ng naging epekto ng El Niño sa mga pangisdaan, at ang tuluyang pagpasok ng tag-ulan sa bansa.
Pinakamalaking porsyento nito ay nanggaling sa General Santos Fish Port Complex na umabot sa 34,747 MT. Ito ay 23.98% mula sa dating 28,027.19 MT sa sinundang buwan.
Ang Navotas Fish Port Complex, ay nagawang makapag-deliver ng hanggang 23,312 MT habang 3,172 MT naman ang naipasok ng Iloilo Fish Port Complex, na mas mataas ng 23.4% kumpara sa dating 2,570.82 MT.