CAUAYAN CITY – Mainit na lagay ng panahon at mababaw na tubig sa palaisdaan ang nakikitang dahilan sa naitalang fish kill sa mga palaisdaan sa Santa Maria, Echague, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Emmanuel Galera, residente ng Santa Maria, Echague at isa sa mga nagmamay-ari ng palaisdaan na sa mga nagdaang araw ay paisa-isa pa lamang ang namamatay sa mga alaga nilang tilapia.
Aniya, aabot sa mahigit 50,000 breader na mga isda ang kanilang inilagay sa kanilang mga fishpond.
Noong una na namatayan sila ng mga alagang isda ay umabot sa isang daang kilo at ginawa nilang daing.
Nagpaalala ang Department of Agriculture (DA) na sa susunod ay i-ensure ng mga fishpond owners ang kanilang palaisdaan upang makatanggap sila ng insurance.