-- Advertisements --
CAVITE FISH KILL

Binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard ang insidente ng fish kill na namonitor nito sa bahagi ng katubigan sakop ng Barangay 61 sa Cavite City.

Ito ay matapos na ipag-utos ng PCG National Headquarters sa Coast Guard Sub-Station Cavite ang patuloy na monitoring at pagsasagawa ng incident assessment matapos na madiskubre ang malaking bilang ng mga patay na isdang tilapia.

Nang mabatid ang naturang insidente ay agad naman nila itong iniulat sa lokal na pamahalaan ng Cavite City at Bureau of Fisheries and Acquatic Resources para sa kaukulang aksyon.

Kaugnay nito ay agad na nagsagawa ng area inspection at water sampling ang mga tauhan ng BFAR upang alamin ang posibleng naging sanhi ng fish kill.

Habang iti-nurn over naman sa Material Recovery Facilities ang mga nakolektang patay na isda para sa proper disposal.