-- Advertisements --

Hinihinalang mababang lebel ng dissolved oxygen ang dahilan sa likod ng pagkamatay ng libo-libong isda sa Baseco Beach, Tondo Manila noong Huwebes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Ranilo Delos Reyes, coordinator ng cleanup drive sa Baseco, normal lang ang nangyayaring fish kill at taon-taon daw itong nangyayari.

May ilang residente pa raw ng Baseco ang kumukuha sa mga patay na isda at kanilang niluluto para kainin habang ang iba naman ay binebenta pa ang mga ito.

Ayon kasi sa mga eksperto, five milligrams per liter umano ang “acceptable” na lebel ng dissolved oxygen sa dagat.

“Wala pa sa tonelada yung nakukuhang mga patay na isda. Sa ngayon, kung iipunin natin mula dulo hanggang sa kabilang dulo ay makaka-dalawang balde tayo,” ani Delos Reyes.