-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Mayroon nang naitatalang fish kill sa mga fishpond sa isang lungsod at tatlong bayan sa Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Agriculturist Angelo Naui ng Isabela na dahil sa patuloy na mainit na lagay ng panahon ay mayroon na silang natanggap na ulat na may mga namamatay na mga isda sa mga palaisdaan.

Mayroong na anyang 1.15 hectares ng limang tilapia fishpond owners ang apektado ng fish kill

Nagkakahalaga anya ng humigit kumulang P200,00 ang mga isdang tilapia na namatay at maaaring madagdagan pa ito kapag nagpatuloy ang mainit na lagay ng panahon.

Ang nag-ulat pa lamang ng fish kill sa kanilang tanggapan ay ang Ilagan City, mga bayan ng Cabagan, Cordon at Quirino.