TUGUEGARAO CITY – Pormal nang ipinasakamay sa lokal na pamahalaan ng Batanes ang “fishermen’s shelter†na itinayo ng Northern Luzon Command (NolCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mavulis island.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Maj. Erickson Bulusan, tagapagsalita ng NolCom na ang istruktura ay magsisilbing silungan at pahingahan ng mga mangingisda sa lugar.
Kumpleto rin ito sa mga kagamitan na ginagamitan ng solar power, kabilang na ang fish dryer at imbakan na maaring gamitin ng mga mangingisda para sa mga mahuhuling isda.
Ang proyekto ay resulta ng pagtutulungan ng ibat ibang mga sektor sa pangunguna ng NOLCOM na may layuning itaguyod ang kaligtasan ng mga mangingisda at ang karapatan sa ating karagatan.
Ang Mavulis Island na may international name na Y’ami ay matatagpuan sa pinakadulong hilaga ng Pilipinas na sakop ng Batanes at 80 kms ang layo sa Taiwan.