KALIBO, Aklan— Inalis na ng lokal na pamahalaan ng Caluya sa lalawigan ng Antique ang fishing ban kung kaya’t malaya nang makalayag ang mga maliliit na mangingisda dahil hindi na nakitaan ng langis ang nasabing karagatan mula sa lumubog na barkong MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Mr. Broderick Gayona-Train, head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Antique na kahit papaano ay kumikita na ang mga mangingisda na pandagdag sa kanilang gastusin sa araw-araw.
Sa kabila nito ay nagpapatuloy pa rin ang clean-up drive sa mga mangrove areas at ang restoration ng seaweeds plantation dahil sa lawak ng pinsala ay hindi kaagad ito maibabalik sa dati.
Maliban dito, tuloy-tuloy rin ang relief assistance mula sa national at local government unit kabilang na ang cash for work na inilaan sa mga residente gayundin umayuda namang ang pamunuan ng kompanya kung sana, may mga tauhan silang ipinadala upang makatulong sa paglilinis.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang mahigpit na monitoring ng Philippine Coast Guard kahit na walang nakitang panibagong tagas ng langis sa karagatang sakop ng nasabing probinsya.