-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Bantay-sirado ngayon ng mga otoridad ang fishing boat na nakadaong sa pantalan ng Glan, Sarangani Province ito’y matapos tinangay ng nagpangalang Reneboy Beriso Mag-aso, 49 taong gulang, isang contructor na residente ng Brgy.Calumpang nitong lungsod.

Ayon kay Lt. Col. Neil Wadingan, hepe ng Glan Municipal Police Station, hindi kay Mag-aso ang naturang sasakyang pandagat subalit pagmay-ari ito ng Kabus Padatuon(KAPA) matapos nagpakita ng Special Power of Attorney(SPA) ang isang Charles Mosqueda.

May ipinakita ding SPA si Mag-aso galing sa isang nagpangalang Catherine.

Kinuha umano ni Mag-aso ang fishing boat dahil kabayaran umano ito ng KAPA matapos itong nabiktima ng investment scam ng grupo.

Subalit ayon kay Wadingan na nalaman nila na mayroong standing warrant of arrest si Mag-aso sa kasong estafa kayat hinuli habang hinold ang naturang fishing boat.