Inamin ng MalacaƱang na verbal lamang at walang dokumento ang fishing agreement nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nangyari ito sa bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Xi sa Beijing.
Ayon kay Sec. Panelo, legally-binding ang nasabing kasunduan kay salita o verbal lamang ng dalawang lider.
Kaya daw nakakapangisda na ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal at hindi na itinataboy ng mga Chinese.
Samantala, iginiit naman ni Sec. Panelo na hindi pwede ang “sorry” lamang mula sa China kapag napatunayang sinadya ang pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pilipino at iniwan ang ating mga kababayan sa Recto Bank.
Sa ngayon, hindi raw nila tanggap ang paliwanag ng Chinese crew na kaya sila umalis agad ay dahil sa takot kuyugin ng mga mangingisdang Pilipino.
Kaya ani Panelo, hintayin daw ang pinal na resulta ng imbestigasyon saka panagutin at pagbayarin ng danyos ang mga Chinese crew.