-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga kasapi ng Cordon Police Station ang isang Fishpond Caretaker makaraang masamsaman ng walang lisensiyang baril sa isang gasolinahan sa barangay Magsaysay, Cordon, Isabela

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office, kinilala ang pinaghihinalaan na si Judy Valera, 21 anyos, binata, fishpond caretaker at resisdente ng Brgy. Wigan, Cordon, Isabela.

Batay sa ulat ng mga otoridad, habang nagsasagawa ng oplan bakal/sita ang kanilang mga patrollers sa Turod Sur, Cordon ay naaktuhan ng mga otoridad na umiinom ng beer ang suspect.

Nang lapitan umano ng mga pulis ang suspect ay biglang kumaripas ng takbo at sumakay sa kanyang tricycle papalayo sa lugar na dahilan para habulin ng mga pulis .

Nang maabutan ay napansin umano ng mga awtoridad ang isang homemade shotgun o sumpak na nakalagay sa passenger seat ng tricycle nito na agad namang kinumpiska ng mga pulis

Mahaharap sa kasong paglabag sa Repulic Act 10591 (Illegal possession of Firearms) ang suspect na nasa pangangalaga na ng Cordon Police Station.