Base sa assessment report ng Fitch Solutions, kinakailangan ang Charter Change upang mas dumami ang foreign investment sa bansa.
Ang pagrami ng investments umano ay isang paraan din upang mas dumami pa ang job opportunities para sa tao.
Pinaniniwalaan naman na ang foreign capital ay makatutulong sa economic growth ng bansa.
Maaari rin daw magkaroon ng positive impact sa investment environment ng bansa ang Charter Change.
“The Fitch assessment supports our initiative to rewrite the restrictive provisions of the Constitution to enable the country to entice more foreign investors,” sinabi ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez.
Samantala, hinikayat naman ng mambabatas ang senado na tingnan ang assessment report ng Fitch Solutions.
Sinabi naman ni Speaker Martin Romualdez at Rodriguez na ang House constitutional amendment ay limitado lamang sa pagrebisa ng Charter’s economic provisions kung saan nililimitahan ang foreign investments..
Naniniwala si Speaker Romualdez na ito ang “final piece in the puzzle” sa pagpapatibay ng investment at economic environment sa bansa.