-- Advertisements --
singapore prime minister

Umalma si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong sa limang hiling ng mga anti-government protesters sa Hong Kong at imposible raw na maayos nito ang kinakaharap na isyu ng naturang lungsod.

Binigyang-diin din ni Lee na hindi makakakuha ng kahit anong benepisyo ang Singapore mula sa ipinaglalaban ng Hong Kong dahil naka-depende raw ang kanilang ekonomiya sa mga investors na patuloy na naniniwala sa kanilang bansa.

Sinabi rin ng prime minister na pinapahiya lamang ng mga raliyista ang sarili nilang lungsod dahil sa halos apat na buwan na nitong pangangalampag sa kanilang gobyerno.

“I don’t see any easy way forward because the demonstrators, they say they have five major demands, and not one can be compromised,” saad ng 67-taong gulang na pinuno ng Singapore.

“But those are not demands which are meant to be a programme to solve Hong Kong’s problems,” dagdag pa nito. “Those are demands which are intended to humiliate and bring down the government.”

Hindi rin pinalampas ni Lee ang pagkakataon na ito upang magbigay komento sa ilang isyu tulad na lamang ng trade war at geopolitival stand-off sa pagitan ng United States at China, maging ang impending general election sa Singapore.

Aniya, ikinalulungot din nito ang nangyayaring kaguluhan sa Hong Kong.

“It’s just the confidence in the region so that investors can come and not think they are in dangerous part of the world,”