-- Advertisements --
DILG SEC BENJAMIN ABALOS JR.

Kumpleto na ang five-man committee na susuri sa courtesy resignations ng matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Inihayag ni Interior Secretary Benhur Abalos na si dating Court of Appeals Associate Justice Melchor Quirino Sadang ang ikalimang miyembro ng committee.

Maliban kay Sadang, miyembro rin sa committee sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., former Defense secretary Gilbert Teodoro Jr, at Office of the Presidential Adviser on Military Affairs’ Undersecretary Isagani Neres.

Si Sadang, ay nagsilbing vice executive judge at presiding judge ng isang regional trial court.

Mula 1993 hanggang 1994, naging kinatawan siya Department of Justice bilang miyembro ng panel sa negotiating panel ng Rebolusyong Alyansang Makabayan.

Siya rin ay isang law professor sa University of the East.

Ang five-man committee ang siyang inatasan na mag-review ng resignations na inihaon ng mga police generals at full colonels kaugnay sa apela ni Abalos.