-- Advertisements --

Tinawag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pansin ng mga bus operators kasabay ng pagsisimula ng implementasyon ng “fixed rate” na sahod ng mga driver at konduktor sa Linggo, March 9.

Sa isang panayam sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na kailangang konsiderahin ng mga kompanya at may-ari ng bus ang araw-araw na kalbaryo ng drivers at konduktor para makapag-uwi rin ng malaking komisyon mula sa bilang ng mga pasahero.

Madalas din umanong malagay sa bingit ng peligro ang mga ito dahil sa mga aksidente.

Kung maaalala, noong nakaraang taon nang paboran ng Supreme Court ang utos ng DOLE at LTFRB na hatiin sa pagiging fixed at “performance-based” ang sahod ng mga driver at konduktor.