-- Advertisements --

ILOILO CITY- Muli na namang magsasagawa ng Dugong Bombo ang flagship station ng Bombo Radyo Philippines sa tulong ng Local Government Unit ng Passi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Passi City Mayor Stephen Palmares, sinabi nito na nakahanda na ang Passi City Arena na venue ng aktibidad para sa mga volunteer blood donors.

Ayon kay Palmares, buwan-buwan silang nagsasagawa ng bloodletting bilang tugon sa matinding pangangailangan sa dugo.

Tiniyak naman ng alkalde na masusunod ang lahat ng minimum health protocols isasagawang bloodletting activity kung saan makikibahagi rin ang faculty and staff at mga estudyante ng Passi City College.