-- Advertisements --

PAF3

Malugod na sinalubong ng mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) sa kanilang Fleet ang pagdating ng isa sa dalawang C-130H aircraft mula Amerika na dumating kahapon.

Sa pagdating ng C130H kahapon sa Base Operation ng PAF sa Pasay City, ginawaran ito ng welcome water salute bilang customary tradition bilang dagdag na aircraft sa Fleet ng PAF.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kaniyang sinabi na very welcome development ang pagdating ng C130-H dahil madadagdagan na ang C130 aircraft ng PAF.

Aniya, sa ngayon kasi dalawang C130 aircraft lang ang lumilipad at dumating ang isa magiging tatlo na ito.

PAF1 1

Hindi naman sinabi ng kalihim kung kailan darating ang isa pang C130-H aircraft

Aniya, ngayong nasa pandemic pa rin ang bansa kailangan talaga ang mga ganitong air assets.

” Very welcome development as we only have 2 C-130 flying. We need these assets especially during this pandemic,” mensahe na ipinadala ni Lorenzana sa Bombo Radyo.

Ang bagong dating na C130-H na may tail Nr 5125 ang una sa dalawang C-130H aircraft na ipinagkaloob ng US Government sa pamamagitan Security Cooperation Assistance.

Aniya, refurbished ang nasabing aircraft pero may ginastos din ang gobyerno para mapa ayos ito at magamit ng Philippine Air Force (PAF) para mapalakas pa ang capability nito lalo na sa heavy airlift missions para suportahan ang galaw ng mga tropa, cargoes at maging sa Territorial Defense Security and Stability at Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations.