-- Advertisements --

Napasakamay na ng mga otoridad sa Indonesia ang flight data recorder (FDR) ng Sriwijaya Air plane na bumagsak sa Java Sea kamakailan.

Kung maaalala, 62 katao ang sakay ng naturang eroplano na hindi na ma-contact ilang saglit makaraang mag-take off sa paliparan sa Jakarta noong Sabado.

Ayon sa mga otoridad, nakita rin ng mga divers ang isang radio beacon, kaya umaasa silang mahahanap na rin ang nawawalang cockpit voice recorder (CVR) na nakakonekta rito.

Sa oras na marekober na ang CVR ay maaari na raw malaman kung ano ang puno’t dulo ng insidente.

“We are sure that, because the beacon that was attached to the cockpit voice recorder was also found around the area, so with high confidence, the cockpit voice recorder will soon be found,” wika ni military chief Hadi Tjahjanto.

Inaasahan naman ng National Transportation Safety Committee na tatagal ng dalawa hanggang limang araw ang pag-download sa FDR data.

“Hopefully we will be able to unveil the mystery of what caused this accident … so this becomes a lesson for all of us to avoid this in the future,” ani Soerjanto Tjahjono, hepe ng komite. (Reuters)