-- Advertisements --
FLIGHT DISRUPTION

Inanunsiyo ng Federal Aviation Administration (FAA) na “procedural error” na may kaugnayan sa data file ang dahilan ng major disruption sa kanilang airline operations noong araw ng Huwebes.

Sinabi ng FAA na ang paunang pagsusuri nito ay “natukoy na ang isang data file ay nasira ng mga tauhan na hindi sumunod sa mga procedures.

Sa ngayon, gumagana na ng maayos ang sistema kung kaya ay balik na sa normal ang kanilang operations.

Magugunitang mahigit sa 11,300 flight ang naantala o nakansela dahil ang mga paliparan ay hindi nakapagbigay ng mga updated safety notices dahil sa pagkasira ng kanilang computer.