Naantala ang flight ng 200 pasaherong sakay ng Philippine Airlines plane patungong Japan ng halos 8 oras dahil sa umano’y bomb threat mula sa isa sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Kaugnay nito, ayon kay Police Col. Esteban Eustaquio ng Airport police nagsagawa ng security protocol ang mga awtoridad matapos na marinig ang isang babaing pasahero na nagtatanong kung mayroong bomba sa loob ng eroplano.
Paalis na sana ang eroplano mula sa NAIA kaninang 9am subalit dahil sa insidente, hiniling sa lahat ng mga lulang pasahero na bumaba muna para magsagawa ng security measures gaya ng mga inspeksiyon sa loob ng eroplano.
Matapos ang ginawang inspeksiyon at walang nakitang banta ng bomba sa eroplano umalis ito dakong 3pm mula sa NAIA.