-- Advertisements --

Nagno-normalize na sa ngayon ang flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng mahigit dalawang oras na suspension ng ground movement para sa mga ramp personnel at aircraft dahil sa lightning alert na nagresulta sa diversion ng ilang mga flights.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), nagkaroon ng imminent danger nang magkaroon ng kidlat malapit sa paliparan kaya ipinatupad ang ilang oras na suspension sa ground movement.

Nagpatong-patong aniya ang mga flights matapos magbukas muli ang operasyon ng NAIA kaya mayroong ilang na-divert na sa Clark International Airport.

Subalit sa ngayon, unti-unti na raw na bumabalik sa normal ang galaw ng operasyon at ng flights sa NAIA.

Sa isang statement na inilabas kagabi, sinabi ng MIAA na anim na international at domestic flights ang na-divert sa Clark.

Ito ay makaraang itaas ang red lightning alert dakong alas-6:40 ng gabi na kinalaunan ay inalis naman dakong alas-9:15 ng gabi.