-- Advertisements --

Napilitang bumalik ang pampasaherong eroplano na galing Manila patungo sana sa Puerto Princesa matapos na magkaroon ng technical issues.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang Air Asia flight APG430 na nagkaroon ng technical issue sa makina nito.

Dakong 2:04 ng hapon ng maiulat ng fligt deck crew ang pagkakaroon ng isyu.

Bilang standard safety protocols ay napilitan ang crew na bumalik sa Manila para maiwasan ang anumang problema.

Nakabalik ng ligtas ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport ng dakong 2:14 ng hapon.

Ligtas naman ang sakay nitong 166 na pasahero at anim na flight crew members.