Balik normal na ang lahat ng flight papunta at pabalik ng Haneda airport sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng banggaan na kinasasangkutan ng Japan Airlines flight 516 at isang papaalis na Japanese Coast Guard plane sa Tokyo airport.
Matatandaan na ang Philippine Airlines flight PR 424 na may tinatayang oras ng pag-alis na 7:05 p.m. ay naka-hold sa NAIA Terminal 1 noong Enero 2 dahil sa pansamantalang pagsasara ng lahat ng runway sa Haneda pagkatapos ng insidente.
Sinabi ni PAL spokesperson Cielo Villaluna na ang flight na Manila papuntang Tokyo Haneda ay nagsimulang tumanggap ng mga pasahero.
to ay matapos nilang matanggap ang pinakabagong briefing mula sa Haneda airport authorities sa pagbubukas ng ilang runway.
Maaalalang ang flight 516 ng Japan Airlines na may sakay na 379 na pasahero ay kakalapag lamang nitong Martes ng gabi nang bumangga ito sa eroplano ng Japan Coast Guard na naghahanda para sa paglipad na may sakay na anim na crew at relief goods para sa mga biktima ng lindol.
Ligtas na inilikas ang lahat ng pasahero ng JAL plane bago ito masunog.
Una na rito, ang limang nasawi ay mula sa De Havilland Dash 8 turboprop ng Japan coast guard.