-- Advertisements --
Balik normal na ang mga biyahe ng American Airlines matapos ang naganap na malawakang technical issues.
Ayon sa nasabing airline company na nagkaroon lamang sila na tinatawag na “vendor technology issue”.
Sinabi naman ng Allied Pilots Association, na nagsiyang nagrerepresenta ng 16,000 na piloto ng American Airlines, na bumigay ang kanilang Fllight Operations System nitong umaga ng Martes na nagresulta sa pagka-delays ng mga flights.
Matapos ang pagbabalik normal ng airline company ay tinanggal na ng Federal Aviation Administration ang kanilang ipinatupad na nationwide groundstop sa lahat ng American flights.