-- Advertisements --

Ilang airports sa Iran ang nagkansela ng flights hanggang Lunes kasunod ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Iran at Israel. 

Matatandaan na nitong Sabado ng gabi ay sunod-sunod na nagpaulan ng drones at missiles ang Iran sa teritoryo ng Israel bilang ganti sa pagbomba ng Israel sa konsulada ng Iran sa Syria noong April 1. 

Ayon sa Tehran’s Imam Khomeini International, lahat ng flights nila ay kanselado hanggang Lunes ng umaga kasunod na rin ng anunsiyo ng Civil Aviation Organization.

Ipinaalam din ng Iran’s Airports and Air Navigation Company na kanselado ang domestic flights sa Tehran’s Mehrabad Airport gayundin sa mga airport sa Shiraz, Isfahan, Bushehr, Kerman, Ilam, at Sanandaj. 

Ilang mga major airlines na rin sa Middle East ang nag-anunsiyo ng kanselasyon ng kanilang flights habang ang iba naman ay susubukang sa ibang ruta dumaan.