Hindi isinasantabi ng Department of Health (DOH) ang mataas na posibilidad na ang FLiRT variants ang nasa likod ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni DOH Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo matapos na matukoy ang 2 kaso ng KP.2 variant sa kamakailang sequencing data ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC).
Ang KP.2 at KP.3. na tinawag ng ilang researchers na FLiRT” variants para ilarawan ang pagbabago sa amino acids sa pagtaas ng protein ng COVID-19 virus ay itinuturing na bagong variants under monitoring (VUM) na laganap din ngayon sa ibang mga bansa.
Ayon sa DOH official una ng idineklara ng Singapore na madami ng pumasok na kaso sa kanila subalit puro mild lang at hindi severe gayundin sa Estados Unidos.
Wala din aniyang kakaibang sintomas sa bagong variant dahil pareho lang ito sa ibang variants na nadetect sa PH
Paraeho lang ang sintomas nito sa flu at common cold gaya ng lagnat, ubo, sipon at pagkahapo.
Samantala, sinabi naman ni ASec. Domingo na patuloy sila sa pagpapaalala sa publiko na obserbahan ang minimum health standards kabilang ang maayos na pagsusuot ng face mask, pananatili sa bahay kapag may sakit at sapat na pahinga para mapalakas ang immune system.
Bilang tugon naman, nakabantay ang DOH sa mga ospital at nag-isyu na rin sila ng memorandum sa Bureau of Quarantine para sa pinaigting na screening sa lahat ng dumarating sa bansa.