-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umarangkada na ang opening salvo ng ika-22nd Tuna Festival sa Oval Plaza dito sa lungsod ng Heneral Santos.

Ayon kay Gensan Mayor Lorelei Pacquiao, masaya ito bumalik na ang face-to-face na mga aktbidad sa nasabing fiesta matapos ang halos dalawang taon na covid-19 pandemic.

Hinikayat nito ang publiko na saksihan ang ibat-ibang performances ng mga local artist og mga kilala ring artista sa bansa.
Habang excited na ang lahat sa fireworks display mamaya.

Una ng sinabi ni Joel Inabangan, Festival Director ng 2022 Tuna Fest na ang float parade ang isa sa magiging highlight sa opening kung saan nilahukan ito ng ibat-ibang mga kompanya at grupo na ang mananalong ay tatanggap ng malaking premyo.

Aabangan rin mamaya ang open competition ng cheerdance.

Tiwala si Inabangan na magiging masaya ang one-month long celebration ng Tuna Fest.

Samantala, ngayon ang unang araw ng isinagawa nitong araw ang ika-22nd National Tuna Congress na inorganisa ng Soccsksargen Federation of Fishing and Allied Industries Inc.(SFFAII)

Dinaluhan ang event ng 522 na partipante at delegado mula sa tuna industry sa bansa.