Tinanggal na ang Philippine Coast Guard ang floating barriers na inilagay ng mga Chinese Coast Guard sa southeast portion ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela na ang kanilang ginawa ay naaayon sa international law ganun din ang soberanya ng Pilipinas sa shoal.

Ipinag-utos mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at at National Security Adviser Eduardo Ano na siyang namumuno ng National Task Force for the West Philippine Sea ang nasabing hakbang na pagtanggal.

Ang nasabing barrier ay nagiging hadlang sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc na siyang integral part ng national territory ng bansa.

Nadiskubre ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Setyembre 22 ang floating barrier na may habang 300 metro.