Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring maghanap ng alternatibong trabaho ang mga manggagawa na nasa “floating status.”
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez nakasaad sa DOLE’s Department Order (DO) No. 215, Series of 2020 na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado kahit nakahanap sila ng alternatibong trabaho habang nasa “floating status.”
Ang DO na pinirmahan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III noong Oktubre 23 ay naglalaman ng pagpapalawak ng “floating status” sa mga manggagawa sa loob ng anim na buwan.
Nilinaw din ni Benavidez na maaari namang kwestiyunin ng mga labor group ang legalidad ng DO.
Pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga employer na tulungang magproseso sa kaniyang mga contribution ang manggagawa na magkasakit at bigyan din ito ng tulong pinansyal. (with reports from Bombo Jane Buna)