-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Maglalayag na sa darating na araw ang floating hospital ng probinsya ng Sultan Kudarat.
Ito ay proyekto sa Sultan Kudarat ni dating Governor Datu Pax Mangudadatu.
Ang floating hospital ay mag-iikot sa mga coastal town ng Sultan Kudarat.
Hindi lamang nakalaan sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang barkong hospital ngunit sa probinsya rin ng Maguindanao sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.