CENTRAL MINDANAO- Naglalayag na Patungong Bonggo Island sa bayan ng Parang Maguindanao ang buong pwersa ng Makabagong Maguindanao Medical Team upang magbigay ng relief goods at Serbisyong Medikal kasama ang M/V PAX MERS ng Sultan Kudarat Province at ang Philippine Coastguard.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglalayag ang M/V PAX MERS sa lalawigan ng Maguindanao.
Matatandaan na ito ang kauna-unahang Floating Hospital sa Mindanao na naglalaman ng Medical Equipment at iba’t-ibang Medical Services. Bilang kabahagi ng magandang samahan at partnership ng Maguindanao at Sultan Kudarat Provincial Government, ang dalawang Probinsya ay nangangakong magtutulungan sa lahat ng aspeto ng serbisyo, proyekto, programa at mga adhikaing makakapag-usbong ng kasaganaan, kapanatagan, kapayapaan at kaunlaran sa mga komunidad.
Labis ang pasasalamat ni Gov. Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa Pamahalaang Lokal ng Sultan Kudarat sa suportang natatanggap nito lalo na at unti-unti pa lang ang transpormasyon ng Maguindanao Province simula ng ito ay maupo sa pwesto.
Ang Makabagong Maguindanao ay patuloy na aangat at magsusumikap sa larangan ng serbisyo at malasakit sa mamamayan.