-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Naniniwala ang pulisya na hindi pa tapos ang mga kaso ng natatagpuang “floating cocaine” sa karagatan ng Bicol region matapos ang panibagong insidente nito kamakailan.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Insp. Michael Albina, hepe ng Baras Municipal PNP, na nagpositibo bilang cocaine ang natagpuang package sa Catanduanes, batay sa pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Kaugnay nito, hinimok ng opisyal ang mga kababayan na huwag mag-atubiling lumapit sa kanilang tanggapan hinggil sa mga kaso ng iligal na droga.
Nangako rin si Albina na bibigyang pagkilala nila ang mga magtu-turnover o magsusumbong sa mga kaso ng illegal drugs.
Sa ngayon nakatakda raw bigyan ng isang sakong bigas ng tanggapan ang mangingisdang si John Anthony Tabinas na nakatagpo sa P5-milyon halagang cocaine blocks habang naglalayag.