-- Advertisements --
Balik operasyon na ang US floating military pier sa Gaza.
Ang nasabing floating pier ng US ay siyang dadaanan ng mga truck na may dalang mga pagkain at humanitarian aide sa mga naiipit sa kaguluhan.
Ilang araw kasi nilang isinara ang nasabing floating pier dahil ito ay kanilang inayos matapos masira ng tamaan ng malakas na alon.
Ayon naman sa United Nations na kanilang pag-aaralang mabuti ang security plan sa lugar bago nila ipagpatuloy ang pamimigay ng mga tulong sa lugar.