Nagtaas na ng flood alert sa Cagayan at Isabela, bago pa man ang inaasahang landfall ng tropical storm Ramon.
Ayon kay Pagasa forecaster Alczar Aurelio, kabilang sa mga nakakaranas na ng baha sa Cagayan ay Baggao, Gonzaga at Santa Ana, habang sa Isabela ay may pagbaha na rin sa Divilacan at Maconacon.
May inisyal na ring babala ng malakas na ulan sa Alcala, Amulung, Aparri, Camalanuigan, Gattaran, Iguig, Lallo, Penablanca at Tuguegarao City sa Cagayan, gayundin sa Cabagan, San Pablo, Santa Maria at SantoTomas sa probinsya ng Isabela.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Ramon sa layong 125 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
May taglay itong hangin na 100 kph at pagbugsong 125 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Signal number two (2):
Cagayan (kabilang na ang Babuyan Islands), northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini at Divilacan), Apayao, Kalinga at Ilocos Norte
Signal number one (1):
Batanes, Ilocos Sur, Abra, Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union, Northern Aurora (Dilasag, Casiguran, and Dinalungan) at nalalabing bahagi ng Isabela