-- Advertisements --

Naglabas na ng babala ng malakas na ulan at pagbaha ang Pagasa sa ilang parte ng Bicol region at Eastern Visayas.

Ayon sa abiso ng weather bureau, may orange rainfall warning sa Northern Samar.

Indikasyon ito ng matinding ulan at baha na nararanasan sa nasabing probinsya.

Katunayan, may mga kalsadang hindi na halos madaanan ng maliliit na sasakyan.

Habang may yellow rainfall warning naman sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito ang inisyal na babala ng pagbaha at ulan na tuloy-tuloy sa mga nakalipas na oras.

Ang Bicol at Visayas ay kabilang sa mga apektado ng malakas na ulan mula sa outer rain band ng bagyong Jenny.