-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Pagasa ang pinaiiral na flood alert sa ilang parte ng Luzon dahil sa hanging habagat.

Batay sa ulat ng weather bureau, nasa orange rainfall alert na maaaring magresulta ng mataas na baha ang Zambales at Bataan.

Habang yellow alert o may inisyal na pagbaha naman sa Metro Manila at Cavite.

Maging ang Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay makakaranas din ng malakas na ulan sa mga susunod na oras.

Samantala, patuloy namang binabantayan ang isang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Bicol region na inaasahang magiging ganap na bagyo.

Huli itong namataan sa layong 875 km silangan ng Virac, Catanduanes.