Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways na natapos na nila ang dalawang malaking flood control project sa bayan ng Polangui sa lalawigan ng Albay.
Ang naturang proyekto ay naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga residente sa lugar tuwing nagkakaroon ng malalakas na pagulan na nagiging sanhi ng pagtaas ng tubig sa ilog.
Ayon sa ahensya, makakatulog na nang maayos ang mga residente sa lugar tuwing may kalamidad dahil malayo sa banta ng anumang panganib.
Batay sa datos, aabot sa kabuuang P94.44 million ang halaga ng naturang proyekto.
Ito ay mayhabang 410 meter section at 6 meters height na itinayo sa Itaran River malapit sa Barangay Buyo habang ang isang proyekto naman ay may habang 333 meters at taas na 5 meters na itinayo sa Maynaga River.
Nilagyan rin ito ng single barrel box culvert at railings bilang pundasyon nito.