Pinag-iingat ang mga residente na nakatira sa mga low-lying areas malapit sa Angat River dahil sa posibleng pagbaha.
Partikular na sa mga lugar sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong at Hagonoy sa lalawigan ng Bulacan.
Sa isang flood situationer na inisyu nitong umaga ng Sabado, nagpakawala ang Angat at Ipo dam ng excess water kung saan ang antas ng tubig sa dam ay umabot sa 214.82 meters at na unti-unti ng nabawasan bagamat inaasahan pa rin ang madagdagan dahil sa mga pag-ulan. Sa kabuuan nasa 1,236 cms ang pinakawalang tubig mula sa dam umaga ng sabado.
Sa antas naman ng tubig sa may Ipo dam, nasa 101.04 meters ito kaninang umaga na nabawasan ng 1,227.30 centimeters matapos magpakawala ng tubig mula sa nasabing dam.
Inaasahan sa susunod na 24 oras ang pagbuhos ng ulan na nasa avergae na 5 hanggang 10 mm.
Sa kabila nito, patuloy naman na nakamonitor ang mga awtoridad sa hydrological condition ng Angat river.
Kayat pinapayuhan ang mga naninirahan sa low-lying areas na malapit sa ilog na lumikas dahil sa posibleng pagbaha bunsod ng pag-apaw ng tubig na nagmumula sa ilog at maging alerto.
Sa latest forecast, ang mga nararansang pag-ulan sa bansa ay bunsod ng patuloy na surge ng northeast monsoon o amihan at ng iba pang weather systems gaya ng shear line at bagong namumuong low pressure area sa may silangan ng timog-silangan ng Mindanao.