Muling itinaas ang flood warning sa walong rehiyon sa bansa ngayong araw, Enero 31 dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng easterlies at northeast monsoon o amihan.
Ayon sa state weather bureau, maaaring magdulot ng mga thunderstorm ang dalawang weather system at magpa-ulan sa maraming probinsya.
Kinabibilangan ito ng Region 2 (Cagayan Valley), Region 3 (Central Luzon), Region 4A (CALABARZON), Region 5 (Bicol Region), Region 8 (Eastern Visayas) GFA#7, Region 11 (Davao Region), Region 13 (CARAGA), at BARMM.
Sa kabila nito, hindi naman inaasahang magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan sa ilang mga rehiyon na nabanggit tulad ng Region 8, Region 11, Region 13, at BARMM at posibleng ito na ang huling flood warning para sa ito
Sa Region 2, 3, 4A, at Region 5, ay inaasahan namang magpapatuloy ang mga pag-ulan na maaaring magdulot pa ng malawakang pagbaha.
Dahil dito, muling ipinaalala ng weather bureau sa mga lokal na pamahalaan na bantayan ang sitwasyon sa mga kailugan at maging maaga sa paglabas ng mga abiso upang agad makasunod ang mga residente.