Nag-isyu ang state weather bureau ng flood warning para sa Metro Manila, Pasig-Marikina, at Laguna de Bay river basins dahil sa mahina hanggang sa malakas na pag-ulang dala ng hanging habagat na pinapalakas ng bagyong Carina.
Pinairal ang flood warning mula kaninang alas-9 ng umaga hanggang mamayang alas-9 ng gabi ng Martes.
Inaasahan na patuloy na makakaranas ng katamtamang mga pag-ulan at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa ilang river basins at kanilang tirbutaryo sa sunod na 12 oras gaya ng Main Laguna de Bay, Upper Marikina River, Lower Marikina River, Pasig River, Tullahan River, Mango River, Nangka River at San Juan River.
Kung kaya’t pinapayuhan ang mga residenteng naninirahan malapit sa mabundok na bahagi at mabababang lugar gayundin ang local disaster risk reduction and management councils na manatiling alerto sa posibleng baha.